Ito ay ang mga tula na isinulat ni Inigo Saavedra.
Ito ay isang haiku tungkol sa aking pag tingin sa kabataan ngayon.
Ito ay isang Tanaga tungkol sa ating paligiran ngayon na nakaka sira sa ating mundo.
Ito ay isang Diona tungkol sa aking nararmdaman sa isang babae na napunta sa iba.
Ito ay isang Dalit tungkol sa realization at nararamdaman ko kung ano ba dapat ang gawin ko sa buhay ko.
Ito naman ay isang kumbensyonal na tula tungkol sa pamilya ko na kahit hindi kami mayaman pero nakahanap parin ng paraan para maging masaya.
Ito ay isang malayang tula tungkol sa isang relasyon ko sa aking aso at kung ano ang nararamdaman ko.
Ito ay ang mga tula na isinulat ni Jalanie Mustapha.
Ito ay Haiku tungkol sa paningin ko sa isang babae na gustong gusto ko.
Oh Mami Lami.
Ika'y napakasarap,
Matikman sana
Ito ay Tanaga tungkol sa panaginip ko sa isang babae kaso, hindi natupad.
Mahal kong Celila,
bat ikaw ay lumisan,
Pangako'y di natupad,
ako'y ngayo'y nalumbay.
Ito ay Dalit tungkol sa nararamdaman ko sa aking relasyon sa isang babae.
Darnang makapangyarihan,
Nalumbay sa iyong ganda,
isama mo naman ako
sa'yong paglipad sa langit.
Wag mo sanang bibitawan,
habang nasa himpapawid
masiyasiya't malaya,
baka ako ay masaktan.Darin to powerful, lonely by thy beauty, with you I sa'yong flying in heaven.
Ito ay Diona tungkol sa isang babae na gusto kong maabot kahit ano pa gagawin ko.
Kalawakang malawak,
liyeno ng bituing
kumokutikutitap.
Kilisanin ang mundong
malupit't walang habag,
malupit't walang habag,
makaabot lang sayo.
Ito ay kumbensyonal na tula tungkol sa isang babae na kahit ang layong-layo niya, pupuntahin ko parin siya, kahit pa na iiwanin ko ang mundong ito na puno ng masama.
Sa mundong walang habag,
mabagsik, walang awa,
ako ay lubayan na
sa katwirang masakit.
Mundo kang di malimot,
sa isip di mawala
bat ayaw mong lumisan,
ako ay naghihirap.
Ikaw nga ay humayo,
pero mananatili
ang aking pagmamahal
at mga nakaraan.
Ito ay malayang tula tungkol sa pagtingin ko sa mundo at sa buhay na "meaningless".
Pipilitin gumising ng maaga,
walang ganang tumayo at ibuklat man lang a mga mata,
makitid lamang ang oras na natitira,
pero walang paring ganang bumangon.
Pero ito ay kailangan, kaya ako'y babangon
sa aking kinahihigahan,
magluto ng kakainin, at ihahanda ang susuotin bago ako'y makipagyera sa malamig na tubig.
Sasakay sa dyip at ilalagay ang panghulong-hatinig,
at dun na magsisimula ang aking araw,
mag-iiba ang tingin sa mundo, at tila lalabas ang aking imahinasyong malawak.
Paghanung sa aking destinasyon,
makikita ang mga sari-saring ekspresyon ng mukha,
may malungkot, masaya, nalilito at iba pa,
mga tao na hindi maintindihan ang pinagdadaanan.
Ito ay ang mga tula na isinulat ni Andrey Aquino.
Ito ay haiku tungkol sa paningin ko sa buhay nating ngayon.
Haiku: Buhay
Ang buhay natin
Na maraming pagsubok
Ang ating leksyon.
Ito ay tanaga tungkol sa pinaka importante na bagay na bagay na kaylangan sa isang katawan ng tao.
Tanaga: Tubig
Ito ang pangunahing,
Kailangan ng tao.
Para inomin natin.
Para maging masigla.
Ito ay dalit tungkol sa importansya ng likas na yaman para mabuhay angang isang tao.
Dalit: Likas na Yaman
Puno ang nagbigay silong
Sa ating mga tahanan.
Lupa ang nagsilbing lugar
Ng ating mga tahanan.
Hangin ang nagbigay tulay,
Para tayo ay mabuhay.
Tubig ang gamit ng tao
Na nagbibigay nutrisyon.
Ito ay diona tungkol sa importansya ng pag-aaral pero ang ibang estudyante ay binabalewala ang pag-aaral while ang iba ay nagihihirapan para lang makapag-aral
Diona: Pag-aaral
Libro ang kaibigan
Guro ang nagtuturo
Ito ang kinabukasan.
Estudyante nagsikap,
Para may matutunan
Para maibahagi.
Lapis ang ginagamit
Papel ang susulatan
Ito ang pag-aaral
Ito ay tungkol sa nararamdaman ko bilang isang estudyante.
Kumbensyonal na tula: Buhay Estudyante
Mga mukhang bago mulang nakita.
Isang taon mo silang magiging kasama.
Nagpakilala, nagkakilala hanggang sa nag kilala.
Kasama sa mga proyektong huli ng ginawa.
Karamay sa mga araw na tila lutang ka.
Dahil sa mga tulong na pinalipas na,
Matapos lang ang sanaysay sa politika.
Mga problema ng gen-math na di masulba.
Na mga pagsusulit ay bugbog sarado kappa.
Huwag mag alala sapagkat may katabi ka,
Sagot sa tanong ay alam niya
Huwag mangamba kasama kayo sa taong walang tulog at saya.
tIo ay malayang tula tungkol sa isang bagay na hindi buhay pero nakakita ako ng "comfort" at "relief"
Malayang tula: Kama
Kay ganda ng iyong kulay.
Kay lambot ng iyong haplos.
Kay init ng iyong yakap.
Ikaw laging katabi,
Gabi man o Umaga.
Sa oras ng kalungkutan.
Ikay laging kasama
Karamay ko kapag akoy may problema.
Kabalikat sa oras ng hirap at ginahaw.
Kapag wala ka akoy nagdudusa,
Sa pagtulog ikay kasama.
Sana huwag mo akong iiwan,
Sapagkat ikay tanging maasahan
____________________________________________
Ito ay ang mga tula na isinulat ni Carlyle Manoza.
Oh aking sinta
Mahal na mahal kita
Wlang iba pa
Ang tulang ito ay para sa taong kung minamahal, pero hindi niya pinapahalagahan ang mga bagay-bagay na ginagawa ko sa kanya.
____________________________________________
Tanaga
Araw-araw ikaw ang
Nasa isip ko sinta
Ikaw ang inspirasyon
Sa bawat araw sinta
Ako ay kontento lamag sa isa at wla nang iba pa.
______________________________________________
Dalit
Diyos ko patawarin
Mo kaming nag kakasala
Huwag mo kaming idulot
Sa masasama oh diyos
Sana iwasto mo kami
Sa daan na maayos
At wag mo kaming iwanan
Sa aming buhay at mundo
Kahit maraming tayong mga kasalanan ay pinapatawad pa rin tayo ng diyos, dahil mahal na mahal tayo ng diyos, siya ay nag sakripisyo para maluwas tayo ng ating mga kasalanan.
____________________________________________
Soneto
Araw-araw, gabi-gabi
Ikaw ang nasa isip ko
Ikaw and Inspirasyon ko
Nung nakita kita
Parang aku’y nakakita ng anghel
Na bubuo sa buahy ko
At pasasayahin ako araw-araw
Ikaw ang nasa panaginip ko
At sana ito’y magkakatoo
Na tayo’y ay nagmamahalan
Dahil wala nang iba
Oh aking sinta
Ang tulan ito ay para sa mga taong ay hindi talaga maka tigil sa pag iisip sa kanilang mahal, at hinding kayang hindi mkakita sa kanilang mukha bawat araw.
____________________________________________
Kumbensyonal na tula
Sino po ba kayo, tila lumuluha
Kayo ba’y sinaktan o inalipusta
Sabahin po ninyo kung sinong may gawa
Nang mapagsabihang iyon ay di tama
Walang karapatan-sinumang nilikha
Na sa sinuma’y manakit ng diwa
Irong ating mundo’y magiging payapa
Kung lahat ng tao ay may pag-unawa
Kay lungkot ng mata nang siya’y tumugon
Ako’ng kalikasan, sa akin ay bulong
Di na kagandahan bakit nagkagayon
Ang aking kariktan ay balita noon
ang tula ito ay para sa mga ginawa natin sa mundo na hindi naman dapat matangap ng ating sariling planeta.
____________________________________________
Malayang Tula
Oh mahal kung buhay
Kay sarap mabuhay
Ito ang binigay nang diyos
Na ito’y wlang halaga
Kaya ito’y pag-iingatan natin
Kasi kapag ito’y mawala
Wla na tayong magagawa
Habang buhay tayo
Mag sasaya tayo
Gawin natin hangat sa makakaya
At langhapin ang sarap na buhay tayo
At mag pasalamat sa diyos
ang tulang ito ay ang pag papasalamat sa sariling katawan na itoy malusog at gabayan tayo ng diyos palagi. At palagi dapat tayong mag pasasalamat sa binibigay ng diyos para sa atin.
____________________________________________
Ito ay ang mga tula na isinulat ni Adrian Gabule.
Ito ay Haiku tungkol sa nararamdaman ko kung tama ba talaga ang ginagawa ng presidente.
DIGONG
Kababayan ko,
Ano ba ang na sayo
Kaw bay totoo
Andaming tao
Pinaniniwala mo
Lahat kaya mo
Sana gawin mo
Nararapat sa tao
Aming Pangulo
______________________________________________
Ito ay Dalit tungkol sa pagmamahal ko sa isang babae pero hindi ko kaya aminin sa kaniya.
Ang sayang nararamdaman
Ay nais ipagsigawan
Bigyang lugar ang ligaya
Mga pusong nagdurusa
Iwaglit minsan ang kaba
Sa pusong hapung-hapo na
Upang ligaya’y makamtan
Mga taong nahihirapan
______________________________________________
Ito ay tanaga tungkol pagmamahal ko sa bayan.
KAPAYAPAAN
Pilipinas kong mahal
Payapang puso’y dasal
Mga taong minamahal
Wag matakot sa hangal
______________________________________________
Ito ay Diona tungkol sa isang babae na nag hiwalay sa isang lalake pero may gusto parin ang lalake na bumalik sila.
Mahal na Mahal kita
Sana mahalin mo'ko
Pabalik sa’king puso
Puso ay nalulumbay
Sa maganda mong mukha
Na kahalihalina
Ako ay namamanglaw
Sa’yong paglisan sa'kin
Sana ay bumalik
______________________________________________
Ito ay Kumbebsyonal na Tula tungkol sa isang babae na naging ilaw sa buhay kong madilim.
Dumating kana naman upang ano?
Pakiusap wag na, buksan mo nalang
Uli ang aking puso.
Hayaan mo naman na iba ang magmaneho.
Magmaneho sa malawak na istoryo na bawat yugto.
Pakiusap, lubayan mo na ang durog kong puso.
Kasi kahit pilit mo itong itahi at ipagtagpi.
Di mo na muling mabubuo…
Masakit man isipin na ang rason ng aking pagngiti.
Siya rin ang magdadala sa aking pait at paghati.
Lulunurin sa malaimpyernong sakit.
Na wari’y may ligaya’t pagmamahal na kapalit.
Subalit mali mahal, wag mo na akong durugin ng paulit-ulit.
Wag mo na akong bihagin sa iyong
Karisma at salitang paulit-ulit mong sinasambit.
Alam mo namang, mahina ito.
Mahina, pagdating sa mga pambobola at panloloko mo.
Kaya pakiusap, wag mo ng gawin na iba.
Sige papaya akong mag pakatanga.
Ngutit magkaroon tayo ng kasunduan.
Na sana’y pagbigyan ng kapalaran.
Sige biyakin wasakin, durungin mo na ang aking damdamin.
Huwag mo lang sisirain at gagalawin ang puso ng mga inosenteng nasa paligid natin.
Para naman kahit pinili kong maging masaya kasama ka.
Oo ako nga si tanga.
Pero hindi ba’t may kapalit naman itong saya at ligaya.
Ang daya ko ba? Kasi inaagaw ko lahat.
Pero di pa rin sapat kahit minahal kita ng tapat
______________________________________________
Ito ay Malayang Tula tungkol sa kahirpan ng mga tao sa Pilipinas at sana mag bago na ito sa ating pangulo ngayon.
Ang mga Pilipino
Sadyang matapang kahit nahihirapan
Dusa at hirap ay kakayanin
Kalayaan minimithi ay makamtan
Buhay ay handing ialay
Sa bansang minimithi at pinakamamahal
Mahal naming pangulo
Sana ikaw ay maging totoo
binitawang mga salita
dasal naming ito ay magkatoto
upang mga pusong hapo
kalayaan sa kahirapan ay makamtan.
No comments:
Post a Comment